Add parallel Print Page Options

17 Kapag ito ay ginawa ko nang kusang loob, mayroon akong gantimpala. Kapag ginawa ko ito nang labag sa aking kalooban, isang tungkulin pa rin ito na ipinagkatiwala sa akin. 18 Ano ngayon ang gantimpala ko? Ang gantimpala ko ay kung ipangaral ko ang ebanghelyo ni Cristo, ipinangangaral ko ang ebanghelyo ng walang bayad. Upang sa gayon ay hindi ko gagamitin ang sarili kong kapamahalaan sa ebanghelyo.

19 Ito ay sapagkat kahit na ako ay malaya mula sa kani­numan, gayunman, ginawa ko ang aking sarili na alipin ng lahat upang lalo pang marami ang madala ko.

Read full chapter